Nakahanda na ang mga guro ng Longos Elementary School sa lungsod ng Alaminos para sa pagsisimula ng implementasyon ng face to face classes ngayong araw.

Ayon kay Fremilyn Rabago, Principal ng Longos Elementary School, nang kanilang malaman na kabilang ang kanilang paaralan sa mga inaprubahan ng DEPED na magsagawa ng klase ngayong school year, ay nagpulong ang kanilang pamunuan katuwang ang barangay, LGUs, at iba pang concern agencies upang maplano kung paano maisasagawa ng ligtas at hindi mahahawa ng COVID-19 ang mga estudyante at mga faculty members.

Aniya, dahil sa maagap na kooperasyon ng lahat nagawa at naisakatuparan nila ang pagkakaroon ng mga washing area sa paaralan kung saan maaaring makapaghugas ng kamay ang sinuman bilang isang measurement na rin para makaiwas sa nabanggit na sakit.

--Ads--

Bukod pa rito, mayroon din umano silang inilagay na barrier sa mga upuan ng mga estudyante at mga guro sa isang silid-aralan.

Lahat din aniya ng mga guro sa nabangit na paaralan ay naturukan na rin ng bakuna kontra COVID-19.

Tiniyak din nila na kanilang pananatilihin ang social distancing at ibang health measures kaugnay sa nabanggit na sakit.

Fremilyn Rabago, Principal ng Longos Elementary School

Matatandaang ang Longos Elementary School lamang ang tanging paaralan sa lalawigan ng Pangasinan ang napabilang sa mga inaprubahan ng DepEd na magsagawa ng pilot implementation ng face to face classes sa gitna ng COVID-19 pandemic.