Pinag iingat ng National Telecommunications Commission ang publiko sa mga tawag sa cellphone na hindi kilala o unknown number.

Ayon kay Atty. Ana Minelle Maningding, Legal Officer, NTC Region 1, huwag sasagutin ang mga phone calls na hindi kakilala dahil maituturing na red flag.

Aniya, medyo high tech na ang mga scammers dahil pag sagot sa phone ay may nagagawa na sa phone, nauupload na ang mga virus at nakukuha na ang information galing sa phone.

--Ads--

Maituturing ding scam kapag nakakatanggap ng mensahe na may sence of urgency na ginagawa kung saan minamadali at tinatakot ang may ari .

Modus din ng iba ay kunwari ay may ibibigay na pera o may napalunanan pero kung mapapansin ay mali ang grammar.

Rampant din ngayon ang mga text message na may links ngunit huwag agad itong bubuksan.