Dagupan City – Ipanalangin na lamang at hinay-hinay sa pagpaparatang dahil wala pa itong katotohanan.
Ito ang naging hirit ni Hannah Galvez, Bombo Internantional News Correspondent sa Japan sa mga content creators na patuloy na nagpapakalat ng mga speculasyon at mga samo’t saring impormasyon sa Pinay na si Hazel Ann Morales na inakusahang pumaslang sa mag-asawa sa Japan na sina sina Takahashi Tokuhira, 55-anyos at Kimei, 52-anyos.
Aniya, nakakalungkot lamang na sa kabila ng kasalukuyang isinasagawang imbistigasyon sa kaso at wala pang mga pinal na desisyon, marami nang mga umaakusa sa pinay at kalat na rin ang kaniyang mga pangalan.
Kaugnay nito, nahuli na rin ng mga awtoridad sa nasabing bansa ang isa pang kapwa Pililipino na nadawit rin sa kuhang CCTV sa lugar kung saan natagpuan ang mga bangkay. Sinabi ni Galvez na nahuli ito sa isang ospital kung saan ay nagpapagamot ang ating kababayan.
Samantala, nang tanungin ni Galvez ang mga impormasyong nakaklap sa Japan sa pamilya ni Hazel, sinabi ng mga ito na walang katotohanan ang mga nangyayari at sa katunayan ay kababalik lamang nito mula sa Pilipinas dahil nakatakdang magpagamot sa Japan at doon ito nangtratrabaho.
Sa kasalukuyan, nagpadala na ng tulong ang embahada ng Pilipinas sa mga ito, at inaabangan pa kung ano nga ba ang katotohanan sa nasabing insidente.