Mga kabombo! Sabi nga nila kung gusto may paraan, kung ayaw may dahilan.
Namamangha ka na ba sa mga DIY musical instruments na gawa sa mga timba, tansan, at iba pang bagay?
Eh paano na lamang kung malaman mong ang isang instrumento pala ay isang totoong gulay?
Kung sa kanta ng namayapang Filipino novelty singer na si Yoyoy Villame ay may “Hayop na Combo,” ang Vienna, Austria ay may totoong Vegetable Orchestra.
Ito rin ang pangalan ng grupo na nabuo noong 1998. Kung saan, mayroon silang 11 members na may background sa iba’t ibang genres, gaya ng electronic, rock, punk and classical.
Nakapag-perform na sila sa kabuuang 344 concerts gamit ang carrot recorder, cucumberphone, radish bass flute, percussive pieces of eggplant, at leek violin.
Mapapa-wow ka talaga! Ayon sa ulat, ipinaliwanag ng Vegetable Orchestra sa official website nito kung bakit nabuo ang grupo.
Ang Vegetable Orchestra habang ipinapakita ang kani-kanilang instruments na gawa mula sa iba’t ibang gulay. Patuloy naman silang nag-iimbento ng bagong vegetable instruments.
Kailangan kasi nilang mag-improvise dahil ang vegetables ay madaling mabiyak, masira, at malanta habang nagpe-perform sila sa stage.
Pagkatapos naman ng kanilang concerts, bahagi ng kanilang show ang pagse-serve sa audience ng vegetable soup.
Ang sangkap ng soup ay mula sa leftovers ng mga gulay na ginamit ng mga miyembro sa paggawa ng musical instruments.
Ang layunin ng grupo ay maipakita sa audience na ang music ay maaaring malikha mula sa kahit anong bagay.
Isinalarawan ng grupo ang kanilang music bilang “vegetable-style.” Nitong March 5, 2025 opisyal na kinilala ng Guinness World Records ang grupo bilang “uncontested record holders for most concerts by a vegetable orchestra.”
May isa lang daw na kahilingan ang mga miyembro—itigil na raw ang pagtatanong kung lahat sila ay vegan o vegetarians.