Ngayong nalalapit na ang semana santa ay may mga nagpaplano ng magfasting, alay lakad at pagpepenetensiya.

Ayon kay Dr. Rheuel Bobis Medical Officer IV, Department of Health Region I ang fasting o ang paglilimita sa pagkain ng isang tao ay maaaring makasama sa kalusugan para sa may commorbidities o existing health conditions.

Marahil maaaring magkaroon ng komplikasyon hinggil dito.

--Ads--

Kaya’t mainam na komunsulta muna sa doktor o nutritionist para sa ligtas na gagawing fasting at hindi ikasama ng kalusugan.

Bukod dito sa pagsasagawa naman ng alay lakad hangga’t maaari ay huwag itong gawin sa oras na 10am-3pm dahil dito pinakatirik ang sikat ng araw.

Kapag naexpose sa direktang sikat ng araw ay mas malaki ang tyansa na magkaroon ng heat related illnesses.

Umiwas din muna sa pag-inom ng softdrinks, kape at alcoholic drinks bagkus ay uminom lamang ng tubig para manatiling hydrated.

Ugaliin ding magdala ng panangga sa init at kapag nakaramdam ng anumang sintomas ay itigil muna ang pag-aalay lakad at magtungo sa shaded na lugar at magpahinga.

Samantala, para sa mga magpepenetensiya ay mainam na magtungo agad sa ospital pagkatapos nito upang macheck ang mga sugat at kapag nakaramdam ng komplikasyon ay huwag isawalang bahala para mabigyan ng agarang atensiyong medikal.

Payo naman ni Dr. Bobis na panatilihing malinis ang katawan, palakasin ang resistensiya, at kumain ng sapat at masustansiya.