Nangako si Health Undersecretary Rolando Enrique Domingo na tututukan nitong maigi ang lahat ng mga gamot o iba pang produkto na ibinibenta sa merkado.

Kasunod na rin ito ng pagkakatalaga sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang bagong officer-in-charge ng Food and Drug Administration (FDA) Philippines.

Ayon kay Domingo, bagama’t maraming dapat baguhin at ayusin sa nabanggit na tanggapan, ay ang paginspeksyon muna sa ilang mga gamot at pagkain ang una niyang tututukan. Aniya, dapat kasi umanong masiguro na ligtas ang mga pagkain at drugs na ginawa o inilabas para sa publiko.

--Ads--

Pinaalalahanan naman ng FDA ang mga negosyante na maaari rin silang mapatawan ng parusa kapag nahuling nagbebenta ng mga hindi rehistradong produkto.

Nanawagan din ang ahensya sa mga lokal na pamahalaan na tiyaking hindi maibebenta sa kanilang lugar ang mga hindi otorisadong produkto.