Nanatiling normal ang buhay ng mga foreign workers sa Poland sa kabila ng pagputol ng isang kumpanya sa Russia ng supply nito ng gas sa nasabing bansa.
Ayon kay Marlon Eleponga , Bombo International News Correspondent o BINC sa Poland, hindi nila naramdaman ang pagtaas sa presyo ng gasolina at presyo ng mga bilihin dahil kasabay nito ay tumaas ang minimum wage ng mga foreign workers sa Poland.
Noong araw ng Sabado ay normal pa ang presyo ng langis pero nagtaas na rin sa nagdaang araw.
Ang kagandahan naman aniya sa Poand ay pinaghandaan na nila ang mga posibleng mangyari kaugnay sa nangyayaring gulo sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Dahil sa gulo ay nag imak na aniya ang Poland ng langis mula sa Qatar at US.
Sa kasulukuyan ay 75% na sapat ang gas storage facilities sa Poland.
Matatandaan na inihinto ng Russian energy giant na Gazprom ang gas supplies nito sa Bulgaria at Poland matapos na mabigong magbayad ng rubles.
Ang Gazprom ay itinuturing ding world’s biggest natural gas company.
Nauna rito, ipinag-utos ni Russian President Vladimir Putin sa European countries na magbayad ng rubles para sa pagbili ng gas matapos na i-freeze ng West ang Russian assets.
Iginiit naman ng Poland na hindi ito magbabayad ng rubles sa halip plano nitong hindi na i-extend pa ang gas contract nito matapos itong magpaso sa katapusan ng kasalukuyang taon.