Tiniyak ng Department of Public Works and Highways o DPWH region 1 na Kahit mayroong mga kinakaharap na isyu ang naturang ahensya ay tuloy tuloy pa rin ang pagsasaayos at paggawa ng kanilang mga proyekto sa iba’t ibang lugar dito sa rehiyon uno.
Ayon kay Ronnel tan ang siyang regional director ng DPWH Region 1 lahat ng kanilang mga flood control ay mayroong mga master plan at Kahit na may mga kakulangan ay patuloy naman ang pagtutok ng kanilang tanggapan lalo na at kinakailangan na matapos ang mga ito.
Gaya na lamang sa Brgy. Bacayao sur dito sa lungsod ng Dagupan na isa sa kanilang tinatrabaho ngayon at iba pang mga continuing project.
Sa ngayon ay hindi pa tiyak kung maapektuhan ba ang pondo sa taong 2026 para sa flood control.
Anya na mayroon pa rin silang mga nakaproposed na project para sa susunod na taon para sa mga pangangailan ng publiko.