Mga kabombo! Team Bahay ka lang din ba kahapon, September 21, at hindi nakadalo sa mapayapa at maayos na protesta laban kurapsyon sa Luneta Park?

Bagaman hindi lahat ay nakapunta, umabot naman sa online platform ang galit ng mga Pilipinong nagsasawa na sa lumalalang kurapsyon.

Nagsagawa ng virtual protest ang mga gamers sa pamamagitan ng larong “Roblox” kung saan nagtipon ang mga ito sa loob ng roleplaying game na may title na “PINOY RP HANGOUT”.

--Ads--

Dinaluhan rin ito ng maraming users kung saan ay may kaniya-kaniya rin silang placards habang nagmamartsa sa virtual Luneta Park.

Layunin ng mga online gamers na ito na labanan ang kurapsyon partikular na ang sangkot sa bilyon-bilyong pondo na inilaan sa flood control projects sa pamamagitan ng platform na labis silang pamilyar.

Maliban pa riyan, ipinapakita rin umano nila na sa pamamagitan ng pinagsamang online platforms at aktibismo, ay ito ang bagong pamamaraan ng pagpapahayag ng kanilang political expression