Dagupan City – ‎Pinalawak ng Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization ang pamamahagi ng modernong makinaryang pang-agrikultura sa mga samahan ng magsasaka, kooperatiba at ilang lokal na pamahalaan matapos matanggap ang 50 porsyento ng pondo mula sa Rice Competitiveness Enhancement Fund.

‎Sa bayan ng Mangatarem, umabot na sa 46 na yunit ang naipamahagi sa ilalim ng RCEF 2.0. Inaasahan pang dadagdagan ang bilang ng makinarya sa susunod na taon kasabay ng pagpapatuloy ng programa.

‎Para sa mga grupong interesadong makakuha ng yunit, kinakailangan na may kabuuang 50 ektaryang sakahan ang isang asosasyon o kooperatiba upang maging kwalipikado.

‎Tiniyak din ng PhilMech na magsasagawa sila ng komprehensibong pagsasanay para sa mga benepisyaryo upang matiyak ang wastong paggamit at pagpapanatili ng mga makinaryang matatanggap.

‎Sa kabuuan, umabot na sa 1,245 yunit ang naipamahagi sa buong Pangasinan mula 2024 hanggang 2025 sa ilalim ng RCEF 2.0.