BOMBO DAGUPAN – Nagbubunyi ang mga fans ng Gilas Pilipinas matapos talunin ang Latvia sa sariling court nila sa iskor 89-80 sa FIBA Olympic Qualifying Tournament.

Dominado na Gilas ang laro mula first quarter hanggang last quarter kung saan hindi pinalamang ang World Number 6 na Latvia sa kanilang court na ginanap sa Riga Arena nitong madaling araw ng Huwebes sa Pilipinas.

Umabot pa sa 26 points ang lamang ng Gilas hanggang napababa ito ng Latvia sa 10 points sa huling minuto ng last quarter.

--Ads--

Pinangunahan ang Gilas ni Justin Brownlee na nagtala ng 26 points, 9 rebounds at 9 na assists.

Itinuturing na isang kasaysayan ang panalo ng Gilas dahil sa bukod sa ranked number 6 ang Latvia ay sila pa ang pang- fifth placer sa FIBA Basketball World Cup noong nakaraang taon na ginanap sa bansa.

Susunod na makakaharap ng Gilas ang Georgia 8:30 ng gabi nitong Huwebes at kapag manalo sila ay pasok na sila sa semfinals.