Sumailalim sa Anti bullying campaign ng PNP ang mga estudyante ng Mangaldan National High school sa bayan ng Mangaldan, Pangasinan.

Seryoso ang kapulisan sa kampanya lalot dalawang estudyante na sa paaralan ang naging biktima ng bullying noong nakaraang school year.

Naging mainit ang isyu dahil isa sa mga biktima ang namatay at nangyari pa ang pananakit sa mismong compound ng paaralan.

--Ads--

Bumuo na ng anti bullying council ang nasabing paaralan.  Sa Orientation pa lang sa pagbabalik eskuwela, ipinaalam na sa mga estudyante at  mga magulang  ang child protection program.

Ipinaalam din sa mga estudyante ang mga rules and regulation sa paaralan maging ang mga kaakibat na parusa sa paglabag dito.

Matatandaan na nasawi ang 19 anyos na estudyanteng si keneth Langit, residente ng Gueguesangen, Mangaldan matapos na pagtulongang bogbogin ng mga kapwa estudyante sa nasabing paaralan.

Papasok na noon sa klase ang biktima  nang makasalubong ang tatlong Grade 12 students  at  hinamon umano ng suntukan. Nadala pa sa ospital ang biktima subalit, binawian din ng buhay.

Naaresto naman at nakakulong na ang mga suspek na edad 19, 22 at 23 anyos na pawang mga Grade 12 student.