Dagupan City – Isinagawa ng San Carlos City Police Station ang pagbisita at inspeksyon sa mga establisimyento sa lungsod bilang bahagi ng proactive security measures laban sa posibleng krimen.

Pinangunahan ang operasyon ng mga tauhan ng San Carlos City Police Station sa ilalim ng pangangasiwa ni PLTCOL Lawrence Keith D. Calub, Officer-in-Charge.

Layunin ng aktibidad na masiguro ang seguridad sa mga business establishment at matukoy ang mga posibleng security concerns na maaaring magamit ng mga kriminal.

--Ads--

Kasabay nito, pinaalalahanan ang mga may-ari at operator ng mga establisimyento na manatiling mapagmatyag at agad na iulat sa mga awtoridad ang anumang kahina-hinalang aktibidad upang makatulong sa pagpigil sa insidente ng krimen.