Patuloy ang panawagan ng mga epleyado sa ilang provincial bus industries sa ating pamahalaan na payagan na silang mag-balik byahe sa labas ng lalawigan ng Pangasinan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Manny Rosario, Head dispatcher ng isang bus company mula sa lungsod ng Dagupan, bagaman naisin nilang mga manggagawa, maging ng kanilang kumpanya na palawakin na ang kanilang mga byahe ay kailangan pa rin umano nilang sumunod sa mga ibinabang kautusan ng Inter-Agency Task Force (IATF), kaya’t wala rin aniya silang magagawa.

Kaya naman ilan sa mga kasamahan nito ang napilitang mag-resign na lamang sa trabaho, habang ang ilan ay pinag tyatyagaan umano ang 12-araw na pasok kada buwan dahil sa skeletal workforce system.

--Ads--
Tinig ni Manny Rosario

Samantala, ibinabala nito sa publiko na hindi pa rin pinapayagang makabyahe ang edad 14-anyos pababa at 65-anyos pataas.

Tanging 14 na mga bus lamang ang kasalukuyang binigyan ng permit upang makabyahe sa buong lalawigan ng Pangasinan.

Apat sa mga ito ay byaheng Dagupan-Alaminos-Infanta, apat din na Dagupan-Tayug at limang Dagupan-Rosales routes ang aprubado ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Ito ay malaking pagbabago umano sa dating halos 130 mga bus na bumabyahe sa loob at palabas ng lalawigan.

Panawagan nila na sana ay payagang makaluwas na ang provincial buses tungong Cubao at Pasay sapagkat mayroon naman aniyang ibang mga sasakyan gaya na lamang ng mga van na siyang nakakabyahe nang paroo’t parito sa loob at labas ng probinsiya.

Tinig ni Manny Rosario

Kaugnay nito, mahigpit pa ring ipinatutupad ang pagsusuot ng face mask at face shield, gayundin ang pagsasagawa ng contact tracing sheets at paggamit ng rubbing alcohol bilang proteksyon ng lahat ng kanilang mga pasahero sa COVID-19.