DAGUPAN, CITY— Sumailalim sa mandatory swab testing ang lahat ng empleyado ng Commission on Election (COMELEC) Dagupan City matapos na magpositibo ang dalawa sa kanilang staff na empleyado ng Pamahalaang Panglungsod.

Ayon kay Atty. Michael Frank Sarmiento, election officer ng COMELEC Dagupan City na kabilang sa sasailalim sa swab test na bagamat nauna ng nagnegatibo sa rapid antigen test ay nakaschedule na sumailalim para sa swab testing ang 11 iba pang empleyado ng ahensiya para masiguro na covid19 free ang mga ito.

Nakaisolate na ang dalawang covid positive employees matapos lumabas ang resulta ng kanilang swab test noong Biyernes at nananatiling asymptomatic.

Sa kabila nito, balik operasyon pa rin ang ahensiya na kasalukuyang nakaskeletal workforce para patuloy pa rin na maserbisyuhan ang kanilang mga kliyente kaakibat ng ibayong pagsunod sa health at safety protocols.

--Ads--
Tinig ni Atty. Michael Frank Sarmiento, election officer ng COMELEC Dagupan City

Magkakaroon naman ng assessment sakaling may magpositibo sa mga sumailalim sa COVID-19 swab test.