DAGUPAN CITY–Umabot na sa mahigit 24,000 na mga distressed Overseas Filipino Workers (OFWs) mula sa Saudi Arabia ang napauwi sa Pilipinas sa gitna ng isinasagawang repatriation dahil sa COVID-19 pandemic,

Sa ulat ni Bombo International Correspondent Lawrence Valmonte sa Riyadh, Saudi Arabia, ito ay sa pagtutulungan ng Philippine Embassy sa nabanggit na bansa, Philippine Overseas Labor Office (POLO), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Department of Foreign Affairs (DFA), at Department of Labor and Employment (DOLE).

Batay sa embahada ng Pilipinas sa nabanggit na lugar, simula Pebrero 9 hanggang Agosto 15, ngayong taon ay nasa 24,581 o tinatayang katumbas na ng 30% Filipino land based doon ang mga napauwi na sa Pilipinas.

--Ads--

Kaugnay nito, inaasahang may karagdagang higit 340 manggagawa pa ang mapapauwi sa bansa.