Dagupan City – Dumagsa ang mga deboto sa iba’t ibang simbahan sa Pangasinan sa Linggo ng Palaspas o Palm Sunday bilang pagsisimula ng tradisyunal na Semana Santa.
Maaga pa lamang ay nagtipon ang mga mananampalataya upang makiisa sa banal na misa at magpabasbas ng kanilang mga palaspas.
Sa ilang parokya, umabot ang pila ng mga deboto hanggang sa labas ng simbahan dahil sa dami ng dumalo.
Ayon sa mga opisyal ng simbahan, inaasahan nilang mas mataas ang turnout ngayong taon kumpara sa nakalipas na mga linggo.
Naglagay naman ang lokal na pamahalaan ng karagdagang personnel upang tiyakin ang kaayusan at seguridad sa paligid ng mga simbahan.
Inaasahan din na mas maraming deboto ang dadalo sa mga susunod na aktibidad ng Semana Santa sa buong lalawigan.










