DAGUPAN CITY- Ibinahagi ng Police Regional Office 1 ang kanilang naging accomplishment sa Comelec Gun Ban Operation kasabay ng pagtatapos ng Election Period ngayong araw.
Ayon kay Pltcol. Benigno Sumawang ang Chief ng Regional Public Information Office ng PRO1 na magtatapos na ang Election Period at Gun Ban ngunit patuloy parin ang mga checkpoint na gagawin ng mga kapulisan sa rehiyon laban sa kriminalidad.
Aniya na sa kanilang tala simula Enero 12 hanggang Hunyo 11 ay marami na silang nakumpiska at naaresto kontra illegal na pagdadala ng baril.
Nakapagtala kasi ang kanilang opisina ng 97 na kaso ng gun ban violations, 99 na nakumpiskang armas o baril, at 106 sa mga arrested person violators.
Dagdag nito na 3 dito ay mula sa Comelec checkpoint, 53 sa police response habang ang iba ay mula sa anti-illegal drugs operation.
Pinaliwanag naman nito na kahit pa tapos na ang Comelec Gun Ban at Election Period mas pag-iigtingin pa nila ang police visibility ng mga kapulisan sa mga kalsada batay sa kautusan ng bagong pnp Chief Pgen. Nicolas Torre III.
Samantala, inaasahang naman ang dagdag na pwersa ng kapulisan dahil magkakaroon ng recruitment para sa aplikasyon sa pagiging pulis para madagdagan pa ang mga tauhan na magbabatay sa kaligtasan at kapakanan ng publiko.