Tinututukan ng Local Government Unit ng Dagupan City ang mga creek bilang bahagi ng planong recovery program upang mapalakas ang daloy ng tubig at mabawasan ang pagbaha.
Sa pag-ikot ni mayor Belen Fernandez sa mga lugar na madalas bahain, ipinaliwanag niya kung bakit patuloy na binabaha ang Rizal Street.
Aniya, kahit may flood gate at pumping station na sa lugar, Hindi pa rin Ito ganap na nakakatulong dahil wala pang dike na pipigil sa malakas na pagpasok ng tubig mula sa main road ng A.B. Fernandez avenue.
Ayon kay Fernandez, hangga’t walang dike ay mananatiling may panganib ng pagbaha sa Rizal street, Fernandez street, bahagi ng A.B. Fernandez Avenue at Darangay 2.
Kaugnay nito humihingi rin ng tulong ang alkalde kay DPWH Secretary Vince Dizon para sa paglalagay ng dike sa mga apektadong lugar.
Dagdag niya, nakadaragdag din sa pagbaha sa public market ng iudad ang pagpasok ng tubig mula sa Rizal street at pag-backflow ng ilog sa likod ng mga establisyimento, kaya nagco-cross ang mga agos ng tubig.










