BOMBO DAGUPAN- Nanawagan ang isang consumer group na magbitiw sa pwesto si Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) Administrator Leonor Cleofas sa gitna ng umano’y pagkakasangkot nito sa mga iregularidad na nakapalibot sa multi-billion-peso Kaliwa Dam Project.

Pinangunahan ni United Filipino Consumer and Commuters-Water for All Refund Movement (UFCC-WARM) national president Rodolfo “RJ” Javellana Jr. ang pagsasampa ng kasong kriminal at administratibo sa Office of the Ombudsman laban kay Cleofas at 7 pang nanunungkulan at dating opisyal ng MWSS kaugnay ng pagtatato ng naturang proyekto.

Nakasaad sa 10-page complaint affidavit ng UFCC-WARM, mayroon umanong irregularidad na paligid ng proyekto na iginawad ng MWSS sa foreign contractor, China Energy and Engineering Corporation (CEEC) noong Hulyo 2018. Kahit kwestyonable umano ang kontrata ay nakuha pa din ito ng CEEC.

--Ads--