DAGUPAN CITY- Dagsa na at inaasahang dadagsa pa ang mga byahero sa bus terminal sa syudad ng Dagupan ngayong pauwi na ang mga ito matapos ang holiday season.
Ayon kay Romel Floralde, Terminal Master, karamihan sa kanilang mga byahe ay fully-booked na at may extra-trip para sa mga walk-in na pasahero.
Kabilang sa mga rutang punuan na ay ang patungong Baguio, Zambales, Tuguegarao, at Roxas.
Sinabi ni Floralde na tuloy-tuloy lang ang kanilang byahe hanggat may mga byahero pa.
Handa naman sila sa na matiyak ang kaligtasan ng mga kagamitan ng mga byahero.
Kanilang nilalagyan ito ng mga detalye upang madali umanong makita o mahanap ng mga may-ari.
Hindi rin nawawala ang kanilang patuloy na pagpapaalala sa mga byahero na ingatan ang kani-kanilang kagamitan.
Samantala, inaasahan na ng ilang byahero ang pag-dagsa ng mga tao sa mga terminal.
Para sa kanila Arlene Garcia at Nova Bangug, mga pasahero papuntang Isabela, mas mabuting iwasan ang pakikipagsiksikan.
Kailangan din isaalang alang ang pagmemorya ng seat number at tiyak na pagkuha ng mga kagamitan.
Upang maiwasan naman ang pagkawala ng kagamitan, dapat aniya alam ang bilang ng mga bitbitin at tiyaking kumpleto ito sa tuwing sasakay o bababa ng bus.









