DAGUPAN CITY- Naging mabilis ang pag-aksyon at pagkomando ng mga bumbero sa Los Angeles, California upang labanan ang kumakalat na wildfire.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Bradford Adkins, Bombo International News Correspondent sa nasabing bansa, naging hamon lamang ang pagkaubos ng tubig at nakarang ang mga sasakyan para sa daan ng mga bumbero.

Bukod pa riyan, pataas at bulubundukin ang Hollywood Hills kaya lalo pang nahirapan ang mga bumbero na akyatin ito.

--Ads--

Kung pagsusumahin, libo-libong kabahayan ang sakop nito dahilan kung bakit malaki ang naitalang nasunog na bahay.

Maaari rin higit milyon ang halaga ng pinsala dahil milyon-milyon din ang halaga ng mga nasunog na bahay.

Samantala, binalaan naman ng gobyerno ng California na kanilang hihigpitan ang kaparusahan para sa mga looters o magnanakaw ng mga kagamitan sa mga naapektuhang kabahayan.

Dagdag pa ni Adkins, ang paglakas ng hangin dulot ng hanging habagat ang lalong nagpalawak sunog sa wildfire.

Ito ang dahilan kung bakit inabot umano sa Hollywood Hills ang nag-umpisang sunog sa Pacific Palisades.