Mga blood donor, masayang ibinahagi ang karanasan sa pagdodonate ng dugo

130

Lubos ang galak ni ginoong Bonifacio De Vera, 66 anyos, na hinirang bilang isang blood galloner matapos na 11 beses na mag-donate ng dugo. Isa umanong masugid na tagapakinig Bombo Radyo si ginoong de Vera.

Samantala inaanyayahan naman nito ang bawat isa na maging kabahagi ng mga ganitong aktibidad upang makatulong sa mga indibidwal na nangangailangan din ng tulong.

Nagsimula umano ang kanyang pagdodonate matapos mapansin ang magandang epekto ng pagdodonate ng dugo hindi lamang sa mga benepisyaro kundi sa mismong donor. Aniya, sa unang beses ng kaniyang pagdodonate ay napansin niyang bahagyang pagganda ng kanyang katawan.

--Ads--

Hindi naman naging hadlang sa isang visually impaired na lalaki ang kanyang kapansanan upang magpahatid ng tulong sa halos dalawampung beses nang nagdonate para sa Dugong Bombo noon pa man sa mga nakaraang blood donation drive ng Bombo Radyo sa Tacloban. Siya si Felipe Jose Nimer isang visually impaired person o indibidwal na may kapansanan sa paningin.

Hinimok naman ni Felipe Jose Nimer ang kanyang mga kapwa visually impaired persons na magdonate din ng dugo upang upang makatulong din sa kanilang kapwa.