Dagupan City – Inaasahang magtataas ang presyo ng mga bilihin sa Estados Unidos matapos magtaas ng pataw sa taripa ang China.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Marissa Pascual, Bombo International News Correspondent sa Estados Unidos, sinabi nito na malaki umano ang epekto ng ipinataw na taripa ng China sa bansa.

Matatandaan kasi na nagmatigas ang China at tinapatan ang taripa na ipinatupad ng US sa kanilang mga produkto.

--Ads--

Kung saan ay nagpataw rin ang mga ito ng nasa 84 percent na taripa, ang nasabing pagpataw ng panibagong 50 percent ay bilang pantapat sa iginawad ng US na 104 percent na taripa sa kanila.

Dito iginiit umano ng China na makakasira ng financial markets dahil sa inflation pressure ng US.

Ani Pascual, magkakaroon ng riffle effect ito hindi lamang sa mga consumers kundi pati na rin sa american farmers na kinakailangan ding mag-adjust sa pagbabago.

Kaugnay nito, nangangamba na rin aniya ang ilang mga factory workers dahil na rin sa majority ng kanilang mga pangunahing bilihin ay tataas din.

Dahil dito, posible naman aniya na kapag nagkaroon ng pagakkataon na bumalik ang manufactoring sa bansa, majority na ng factories ay gagamit ng Artificial Intelligence.

Sa kabila nito, umaasa naman si Pascual na kapag nakita ng pangulo ang epekto sa publiko ay magkaroon ng negosasyon para sa kapakanan ng nakararami.