BOMBO DAGUPAN – Nakakagalit umano na malaman na maraming menor de edad na naging biktima ni Pastor Apollo Quiboloy.

Ito ang naging pahayag ni Kj Catequista, Secretary General ng Gabriela Women’s Party, sa panayam sa kanya ng Bombo Radyo kaugnay sa ulat na maraming biktima ng pang-aabuso ng pastor.

Binigyang diin nito na dapat lang na panagutin si Quiboloy sa lahat ng kasamaan na kanyang ginawa.

--Ads--

Sa dami ng mga biktima na nagsasalita ay maari nang magimg sapat na ibidensya para magkaroon ng kaso kahit itinatanggi ni Quiboloy.

Nakakabahala aniya na lumalala ang kasong harassment sa mga kababaihan at tumataaas ang bilang ng mga kabataan na nawawala.

Nakakatakot na ginagamit ng ibang tao ang kanilang kapangyarihan para mangharas ng mga kababaihan.

Panawagan niya sa lahat ng biktima na huwag matakot at maging matapang na magsalita dahil marami namang organisasyon kasama na ang Gabriela Women’s Party na handang tumulong sa kanila.