DAGUPAN CITY- Inilabas ng International Criminal Court (ICC) ang opisyal na tugon ng mga legal representative ng mga biktima kaugnay sa kahilingan ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte para sa interim release o pansamantalang paglaya.

Batay sa inilabas na dokumento ng ICC, tutol ang mga kinatawan ng mga biktima sa nasabing kahilingan dahil sa pangambang maaari itong magdulot ng panganib sa kanilang seguridad.

Ayon pa sa kanilang pahayag ay walang makataong dahilan sa ngayon na magpapatunay na may sapat na batayan para sa isang pansamantalang paglaya.

--Ads--

Patuloy na isinasagawa ng ICC ang proseso kaugnay ng imbestigasyon sa mga umano’y paglabag sa karapatang pantao sa ilalim ng kampanya kontra-droga noong administrasyong Duterte.