Red tide free na ang mga baybayin ng Anda at Bolinao dito sa lalawigan ng Pangasinan.

Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR, binawi na na ang shellfish ban sa mga nabanggit na bayan.

Ito ay matapos nag negatibo sa paralytic shellfish poison ang mga  nabanggit na baybayin.

--Ads--

Ibig sabihin ay ligtas nang kumain ng shellfish. 

Maaari nang mag harvest at magbenta ng mga lamang dagat mula sa nabanggit na baybayin.

Halos isang  buwan ding naapektuhan ng red tide  ang kabuhayan ng ilang mangingisda at negosyante  mula ng magsimula ang red tide noong April 26 ng taong kasalukuyan.