Dagupan City – Pinalakas ng Local Disaster Risk Reduction and Management Office (LDRRMO) ng Lingayen ang kahandaan ng mga barangay sa iba’t ibang uri ng sakuna sa pamamagitan ng matagumpay na pagsasagawa ng Community-Based Disaster Risk Reduction and Management (CBDRRM) Workshop.
Layunin ng pagsasanay na mapalawak ang kaalaman, kasanayan, at aktibong partisipasyon ng mga kinatawan ng mga barangay sa mga usapin ng disaster preparedness, prevention, mitigation, response, at recovery.
Tinalakay rin sa workshop ang tamang pagtukoy sa mga panganib, pagtatasa ng mga posibleng banta, pagbuo ng community-based contingency plans, at pagpapalakas ng koordinasyon ng komunidad sa panahon ng kalamidad.
Sa pamamagitan ng naturang programa, patuloy na isinusulong ng LDRRMO Lingayen ang pagbuo ng mas ligtas, mas handa, at mas matatag na mga barangay.
Nananatiling prayoridad ng tanggapan ang pagbibigay ng sapat na kaalaman at paghahanda sa bawat komunidad upang mabawasan ang panganib at mapalakas ang kakayahan ng mga mamamayan sa pagharap sa anumang sakuna.










