DAGUPAN CITY- Problema ngayon ng mga barangay officials sa syudad ng Dagupan na sa kinakaharap na problema sa basura ay nagmimistula na rin silang Garbage Collectors.

Ayon kay Counc. Lino Fernandez, Sangguniang Panlungsod ng Dagupan, kinakailangan din kase ng karagdagang tauhan kaya maging sila ay tumutulong na sa pangongolekta ng mga basura sa kanilang nasasakupan.

Maliban pa riyan, batay din sa ordinansa ng syudad ay tumaas na rin ang garbage fee na kanilang binabayaran, bilang pagsuporta naman sa proyekto ni Mayor Belen Fernandez sa pagsara ng 60-year old dump site.

--Ads--

Kaugnay nito, nakatitiyak naman si Fernandez na sumusunod ang bawat barangay sa pagtaas ng garbage fee lalo na’t kailangan itong makita sa 2026 annual budget na kanilang isusumite sa punong barangay.

Habang, nabawasan pa ang pinagdadalhan ng mga basura matapos magsara na rin ang isang dump site sa syudad ng Urdaneta.