DAGUPAN CITY- Hindi na bago ang pagfile ng mga bagong partylist para sa nalalapit na halalan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Prof. Danilo Arao, Convenor ng Kontra Daya, sa kanilang pag-aaral sa nakaraang political cycle ay karamihan sa mga ito ay bahagi political dynasty, malalaking negosyo, may mga pending na kaso ang mga partylist nominee, sangkot sa usapin ng kurapsyon, may koneksyon sa militar at polisiya, o kaduda-duda ang kanilang adbokasiya.

Aniya, inaasahan na lamang nila na kakaonti sa mga ito ang kakatawan para sa mga mahihirap dahil ang korte suprema na ang nagsabi na kahit sino ay maaaring magpatakbo ng partylist.

--Ads--

Ikinakadismaya lamang ni Prof. Arao na 63 lamang ang upuan ng partylist para sa House of Representative ngunit ito pa ang nagiging daan para makaupo ang mga dinastiya at negosyo.

Nawawala na rin ang tunay na intensyon ng Partylist law na maging boses para sa mga nasa laylayan.

Gayunpaman, nakagisnan na talaga na ang may malalaking pera at kapangyarihan ang nananalo sa halalan.

Kaugnay nito, nagagamit ang mga ito upang mapigilan ang mga hindi boto sa kanila at gumamit ng political violence.

Payo na lamang niya sa mga botante na piliin nang mabuti ang ibobotong partylist group. Dapat na siyasatin nang mabuti ang mga ito lalo na’t bukas sa lahat ang internet upang hindi masayang ang nag-iisang boto.