Nananawagan sa publiko si Dagupan city mayor Marc Brian Lim na ipagptuloy ang pagsunod sa mga public health protocols.
Ginawa ni Lim ang panawagan kaugnay sa pagsasailalim sa lungsod sa General Community quarantine o GCQ simula ngayong araw hanggang sa Setyembre 30 alinsunod sa desisyon ng national IATF para mapababa ang pagkalat ng covid 19 dito sa lungsod.
Ayon kay Lim, may mga bagong patakaran na kailangang sundin lalo na ang pagsuot ng facemask at faceshield sa tuwing lalabas ng bahay, mahigpit na ipinagbabawal ang lahat ng uri ng mass gatherings.
Mananatili namang bukas ang mga religious establishments pero 50 percent ang sitting capacity lamang ang okupado sa venue.
Ang mga business establishment at restaurant naman ay hanggang 30 percent na capacity lamang.
Habang ang mga hotel ay maaaring mag operate basta mayroon silang permit mula sa Department of Tourism.
Samantala, tiniyak ng alkalde na sapat ang quarantine facilities sa lungsod.
Muling nagpaalala rin si Lim na kapag nabakunahan na ay hindi dapat mag relax.
Ipagpatuloy pa rin ang pag iingat dahil ang bakuna ay nagiging epektibo matapos ang dalawang linggo pagkatapos ng pangalawang bakuna.