DAGUPAN CITY- Mainit na sinalubong ng mga guro at mga estudyante ng Bonuan Boquig National High school ang alkalde ng Dagupan sa kanyang pagbisita sa nasabing paaralan.
Kalakip niyan, Handa nang gamitin ng mga mag-aaral ng BBNHS-Senior High School ang mga bagong lamesa at upuan na ibinahagi ng lokal na pamahalaan ng lungsod.
Ito ay upang mapabuti ang pag-aaral ng mga estudyante sa kanilang paaralan at masiguro ang komportableng kapaligiran para sa mag aaral.
Ayon sa pahayag ng alkalde lokal ang layunin nila ay magbigay ng mga kagamitan at pasilidad na makakatulong sa edukasyon ng mga kabataan.
Ayon sa Lokal na pamahalaan, Prioridad nila ang mabigyan ng mataas na kalidad na pasilidad ang lahat ng pampublikong paaralan sa lungsod.
Kasama na dito ang pagpapabuti ng mga gusali, pag-develop ng mga site, at iba pang mga suportang makatutulong sa edukasyon upang makapagtapos ng mga mag-aaral na may mataas na kalidad ng kaalaman sa kanilang napiling larangan.
Nagpasalamat din ang mga lokal na pamahalaan sa sa mga guro at mag-aaral ng nasabing paaralan maging kay School Principal. Imelda Gonzales at iba pang opisyal sa paaralan.