Nagsagawa ang Department of the Interior and Local Government (DILG)-Region ng dalawang araw simultaneous orientation para sa mga bagong hired contact tracers sa lalawigan ng Pangasinan.
Pinangunahan ni DILG Regional Director James Fadrilan, ang orientation via Zoom.
Ang mga bagong contact tracers ay binubuo ng pitung grupo at sumailalim sa training sa pitung magkakahiwalay na venues sa lalawigan.
Layunin ng dalawang araw na mandatory training na sanayin ang mga bagong contract tracers sa mga basic skills at matutunan ang contact tracing process bago sila ideploy.
Samantala, hinimok ni DILG Pangasinan Provincial Director Paul Lalata ang mga newly-hired contact tracers na maging committed sa kanilang trabaho.
Kabilang sa mga responsibilities ng mga contact tracers ay ang magsagawa ng interviews, profiling, at magsagawa ng initial public health risk assessment ng COVID-19 cases at tukuyin ang mga close contacts; magrefer sa mga close contacts sa mga isolation facilities; at magsagawa ng enhanced contact tracing.
Magtatapos ngayong araw ang 2 araw na training ng mga nasabing bagong contact tracers.




