DAGUPAN CITY- Upang matiyak na magiging mahusay ang mga bagong kawani ng local na pamahalaan ng Alaminos ay nagsaagwa ng ISO 9001:2015 Quality Management System (QMS) Awareness Training for New Employees Seminar.

Ang layunin ay palawakin at pagbutihin ang kaalaman ng mga kawani sa Quality Management System, upang makapagbigay ng mataas na kalidad na serbisyo publiko na sumusunod sa mga pamantayang internasyonal, alinsunod sa adhikain ni ng kasalukuyang administrasyon.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng City Human Resource Management Office (CHRMO), NEO AMCA Innovative Solutions, Inc. at iba pang mga opisina para sa mga karagdagang kaalaman.

--Ads--

Sa pangkalahatan, ang QMS ay mahalaga upang matiyak na ang mga serbisyo publiko ay de-kalidad, maaasahan, at sumusunod sa mga pamantayang internasyonal.