DAGUPAN CITY–Nanawagan si Engr. Rosendo So, Chairman ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) na iwasan na magpanic ang mga backyard hograisers .
Ito ay kasunod ng utos ng Philippine Association of Meat Processors Inc. (PAMPI) sa mga miyembro nito na i-boycott muna ang local pork products hangga’t patuloy ang banta ng African Swine Fever (ASF) sa bansa.
Aminado si So na apektado ang mga local hog raisers sa panawagan ng PAMPI na i-boycott ang local pork.
Matatandaan na sinabi ni PAMPI Spokesperson Rex Agarrado, mas makabubuting huwag na munang gumamit ng domestic pork products hangga’t hindi pa tiyak na ASF-free na ang mga ito.
Samantala, may payo naman si So sa mga hograisers na bantayan ng maigi ang ipinapakain sa kanilang mga alaga upang hindi matamaan ng sakit.
Ipinayo rin niyang maligo muna ang mga may ari bago lapitan ang mga alagang baboy. Kung galing umano sa palengke, ay maglinis muna ng katawan bago lapitan ang mga alagang baboy dahil ang virus ay puwedeng madala sa bahay at puwedeng makahawa sa alagang hayop.