DAGUPAN CITY- Mahigpit na pinaghahandaan Region 1 ang mga laro sa para sa Palarong Pambansa 2025.


Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay G. Julius S. Queddeng, Presidente ng Amateur Sports Association of Pangasinan, inihayag niya ang mahigpit na preparasyon para sa mga atleta, coaches, delegado, at opisyal ng Region 1 na kalahok sa nalalapit na mga paligsahan.

Aniya, may maayos na panuluyan para sa lahat ng mga kalahok upang maging komportable ang kanilang pamamalagi.

--Ads--

Binibigyang-priyoridad din ang kalusugan ng mga atleta, kaya’t palagi silang pinaaalalahanang uminom ng sapat na tubig lalo na sa pabago-bagong panahon upang maiwasan ang sakit.

Sa mga panahon naman ng malalakas na pag-ulan, may nakahandang contingency plan ang organisasyon.

Kung sakaling walang matatagpuang angkop na lugar para sa mga laro, maaaring pansamantalang ipasuspinde ang ilang mga kompetisyon.

Mayroon ding medical team na naka-assign upang tutukan ang kalagayan ng mga kalahok, samantalang sinisiguradong sapat at masustansya ang pagkain para sa lahat.

Layunin ng samahan na mapataas ang ranggo ng kanilang mga atleta ngayong taon.

Isa sa mga pangunahing event na kanilang binabantayan ay ang basketball para sa secondary girls, pati na rin ang football, table tennis, at athletics.