DAGUPAN CITY– Labis umanong kalungkutan ang nararamdaman ngayon hindi lamang ng mga Amerikano kundi maging ang mga basketball fans sa boung mundo sa pagkamatay ni NBA Star Kobe Bryan matapos na matapos bumagsak ang sinakyan nitong helicopter sa Calabasas, Los Angeles, California nitong Lunes ng madaling araw (oras sa Pilipinas).
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Bombo Correspondent Rufino Gonzales na shock pa rin ang marami nilang kababayan sa sinapit ni Bryant na inilarawan nitong mabait na tao.
Hindi aniya ito tulad ng ibang mga basketball player na sa kabila ng pagiging sikat at magaling nito sa larangan ng basketball ay hindi ito kakikitaan ng pagiging mayabang. Sinundan din umano nito ang work ethics ni Machael Jordan na sa kabila ng galing ay maaga itong dumaratng sa kanilang mga laro at ilang oras pa nagprapraktis bago sumabak sa game.
Nakalimutan din umano pansamantala ng mga Amerikano ang impeachment trial laban kay US President Donald Trump dahil sa sinapit ng sikat na basketbolista.
Ang 41-anyos na si Bryant ay isa sa mga ikinokonsiderang greatest NBA players of all time kung saan humakot ito ng kabuuang 18 All-Star sa 20-taong karera nito sa Los Angeles Lakers.
Inakay din ng tinaguriang “The Black Mamba” ang Lakers tungo sa limang NBA championships, at itinanghal din ito bilang NBA Finals MVP ng dalawang beses, at league MVP noong 2008.
Nitong 2018 din nang magwagi si Bryant ng Oscar para sa kanyang short film na “Dear Basketball.” Naulila ng mag-amang Bryant ang inang si Vanessa, at mga anak na sina Natalia, Bianca, at ang bagong silang na si Capri.