DAGUPAN CITY- Matagal na umano ang mga alegasyong pagpondo ni Vice President Sara Duterte sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) at maging sa mga drug dealers, bagkus, umalingawngaw na ito noong 2022 election pa.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Prof. Danilo Arao, Convenor ng Kontra Daya, hindi dapat ito agad pinapaniwalaan at mailapag muna ang matitibay na ebidensyang sumusuporta sa mga ito.
Aniya, mainam na imbestigahan ito at alamin ang kredibilidad ng bawat alegasyon.
Kung mapatunayan man na may katotohanan ang mga ito, maaaring gamitin ito bilang basehan sa ihahaing impeachment complaint laban sa bise presidente sa susunod na taon.
Sa bahagi naman ni Duterte ay isiwalat naman ang nalalaman nito sa di umano’y dayaan sa kampo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Dapat din patunayan ng bise presidente ang kredibilidad nito upang salungatin ang mga alegasyon, kabilang na rito ang pagpapatunay na existing talaga ang mga tumanggap ng confidential funds nito.










