Kinumpirma ng Office of Provincial Veterinarian na nararanasan ang kakulangan ng baboy sa probinsya ng Pangasinan.

Sa ngayon ay mataas ang presyo ng karne ng baboy sa mga pamilihan kung saan ay nasa P260 per kilo.

Tumaas daw kasi ang presyo ng live weight dahil sa kakulangan ng supply ng baboy.

--Ads--

Dahil dito, pinayagan nang makapasok sa lalawigan ang mga alagang baboy mula sa mga karatig bayan na african swine fever free.

Matatandaan na halos wala ng nag aalaga ng baboy sa lalawigan dahil sa pagtama noon ng ASF sa mga alagang baboy na nagresulta sa pagkamatay ng mga ito.