DAGUPAN CITY- Magsisimula nang magpatupad ang Commission on Election (COMELEC) ng mga polisiya kaugnay sa nalalapit na Election Campaign ng mga tatabko para sa National and Local Election (NLE).

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Atty. Michael Franks Sarmiento, COMELEC Officer sa lungsod ng Dagupan, kabilang sa mga ipapatupad sa Enero 12 ay ang Election Gun Ban.

Aniya, ito ay pagsususpinde ng mga licensed firearms at kinakailangan ng certificate of authority upang makapagdala ng baril.

--Ads--

Kung mahulihan man ng baril, lisensyado man o illegal, ng walang kaukulang sertipikasyon ay maaaring maharap ng Election Offense.

Hinihikayat na lamang ni Atty. Sarmiento na iwanan na lamang ang baril sa kani-kanilang pamamahay o ireport sa kapulisan para sa safekeeping.

Maliban diyan, magsasagawa rin ang COMELEC ng voter education at Automated Counting Machine (ACM) roadshow sa mga barangay.

Samantala, matatawag lamang na kandidato ang mga nagsumite ng Certificate of Candidady (COC) sa pagpatak ng campaign period.

At sa ngayon, maaari pang maglagay ng mga tarpouline ang mga tatakbo dahil wala pang regulasyon na inilalabas ang COMELEC.

Gayunpaman, hinihikayat nila na maghinay lamang sa pangangampanya.