Dumating na kagabi sa Saint John Cathedral ang mga abo ni dating CBCP president at Lingayen – Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz.
Kasunod nito ay isinagawa ang misa sa pangunguna ni Rev. Fedeliz Layog.
Pumanaw ang 85 anyos na arsobispo sa Cardinal Santos Hospital dahil multiple organ failure sanhi ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) infection.
Mananatili doon ang mga labi ni Cruz hanggang sa araw bago ang kanyang libing.
Isasagawa naman ang public viewing ngayong araw.
Mahigit isang dekada na nanilbihan si Cruz bilang arsobispo sa Lingayen Dagupan archdiocese.
Naging pangulo rin siya ng Catholic Bishop Conference of the Philippines bago siya nagretiro noong 2009. Nakilala rin siya dahil sa pagiging kritiko niya sa mga issues sa gobyerno.
Inilalarawan siya ng kanyang mga kasama na disiplinarian na obispo pero mapag mahal, maunawain, mapag paraya, mabait at masayahin.




