DAGUPAN CITY- Tinanggihan ni Mexican President Claudia Sheinbaum ang alok ni4 U.S. President Donald Trump na magpadala ng tropang Amerikano sa Mexico para labanan ang drug trafficking.

Ayon kay Sheinbaum, iminungkahi ito ni Trump sa isang tawag noong nakaraang buwan, ngunit agad niya itong tinutulan.

Ang pahayag ni Sheinbaum ay tugon sa ulat ng Wall Street Journal na inilathala kamakailan, kung saan sinabing pinipilit ni Trump na palakasin ang papel ng U.S. military laban sa mga cartel sa Mexico.

--Ads--

Sa kabila ng mas mahigpit na presensya ng militar ng U.S. sa kanilang southern border, malinaw ang paninindigan ni Sheinbaum