Gumawa ng kasaysayan ang football superstar na si Lionel Messi sa panalo ng Argentina laban sa Algeria ngayong araw, Hunyo 17, sa iskor na 3-0.

Sa unang laban ng Argentina para sa kanilang title defense sa FIFA World Cup 2026, pinatumba ng koponan ang Algeria sa pamamagitan ng bigtime performance mula kay Messi. Ginanap ang naturang laban sa Kansas City Stadium.

Ang lahat ng tatlong goal ng Argentina ay nagmula kay Messi. Naipasok niya ang mga ito sa ika-17, ika-60, at ika-76 na minuto ng laro.

--Ads--

Ito ang kauna-unahang pagkakataon sa karera ni Messi na makapagtala ng hat-trick (tatlong goal sa isang laban) sa loob ng isang World Cup tournament.

Ang ikatlong goal ni Messi sa naturang laban ay ang ika-16 na goal niya sa kabuuang partisipasyon sa World Cup. Sa tala na ito, pumantay na siya kay Miroslav Klose ng Germany bilang all-time leading scorer sa kasaysayan ng Men’s World Cup.