DAGUPAN CITY- Mga Kabombo! Sabi nila, mawala man ang isang tao ngunit ang ala-ala sa puso ng tao ay hindi mawawala.
Ito ang pinatunayan ng isang kakaibang tuklas sa Canada kamakailan.

Isang kakaibang mensahe kasi sa bote ang natagpuan kamakailan sa baybayin ng isang liblib na isla sa Canada, makalipas ang 42 taon mula nang ito’y ihulog sa dagat.

Natagpuan anila ni Mark Doucette, isang archaeology technician mula sa Potlotek First Nation, isang komunidad ng mga Mi’kmaq Native Americans ang isang bote habang nagsasagawa ng pananaliksik sa lugar.

--Ads--

Bagaman kupas na ang tinta ng sulat, nabasa pa rin ang petsang Enero 14, 1983, sinasabing araw na inihulog ang mensahe mula sa isang resupply ship malapit sa Sable Island.

Ayon sa eksperto, naapektuhan ng alak ang tinta ng sulat, kaya’t bahagyang nabura ang ilang bahagi nito.

Basa pa rin ang papel nang ito’y buksan, at habang unti-unting natutuyo, mas lumilinaw ang sulat at mga bakas ng panulat.

Bagamat kaunti lang ang impormasyong laman ng sulat, pinilit ng mga opisyal ng parke na tukuyin kung anong barko ito galing.