Dagupan City – Nakumpiskahan ang isang menor de edad sa ikinasang buy-bust operation ng Dagupan City Police Station katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 1 nitong Setyembre 1 sa Barangay Tambac, Dagupan City.

Ayon kay PLTCOL. Lawrence Keith Calub, hepe ng Dagupan City Police Station, isinagawa ang operasyon matapos ang masusing surveillance at intelligence gathering laban sa suspek na isang Children in Conflict with the Law (CICL) at kabilang umano sa listahan ng High-Value Individuals (HVI).

Nasamsam mula sa suspek ang tinatayang 185 gramo ng hinihinalang shabu na may halagang ₱1.2Milyon.

--Ads--

Nakalagay ang droga sa tatlong transparent plastic sachets.

Kabilang din sa nakumpiska ang ilang plastic na supot, genuine at boodle money na ginamit sa operasyon.

Tiniyak ng mga awtoridad na susundin ang tamang proseso sa ilalim ng batas, partikular sa paghawak ng kaso ng menor de edad.

Ayon kay Calub, pinag-aaralan ang posibilidad ng rehabilitasyon upang mailayo ang kabataan sa mundo ng ilegal na droga.

Samantala, ibinahagi naman ni Calub ang mga hakbang na kanilang isinasagawa sa pagsupo ng ilegal na droga gaya na lamang ng comprehensive anti-drug strategy kung saan nakapaloob ang supply Reduction, Demand Reduction, Rehabilitation & Reintegration, Legal and Policy Support, Community Participation & Governance, at International Cooperation.

Ito naman na ang naitalang pinakamalakingf halaga na nakumpiska sa 9 isinagawang operasyon sa lungsod.