BOMBO DAGUPAN – Nasawi ang isang menor de edad matapos bumangga ang sinasakyan na motorsiklo sa kahabaan ng Provincial Road sa Brgy. Carmay East, sa bayan ng Rosales,Pangasinan.

Ayon kay PEMS Marlon Palaruan, Chief, Investigation Officer sa Rosales PNP, ang nasawing biktima na isang estudyante ay nag overtake sa kulong kulong na minamaneho ni Robert Martinez Suba, 49 anyos, may asawa,magsasaka, kung saan ay kasama niya noon ang asawa na si Margie Rubido Suba, 49 anyos at parehong residente ng Sitio Salungating, Brgy. Namagbagan sa bayan ng Sta. Maria pero hindi nakalkula ang distansya at nahagip ang kulong kulong, sa pagtumba ng kanyang motor ay napunta sa kabilang linya at tamang tama na nabangga sa paparating namang kotse.

Napag alaman na may suot na helmet ang biktima subalit sa lakas ng pagkakatilapon ay naalis ang helmet at nabagok ang kanyang ulo.

--Ads--

Nagtamo ito ng sugat sa ibat ibang bahagi ng kanyang katawan at mabilis namang dinala sa Conrado Estrella Regional Medical and Trauma Center, pero deneklarang patay ng kanyang attending physician habang siya ay ginagamot.

Hindi naman nasugatan ang drayber ng dalawang iba pang sasakyan.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pang imbestigasyonsa pangyayaring ito.