BOMBO DAGUPAN – Natagpuang walang buhay ang isang menor de edad matapos na magbigti sa Brgy. Poblacion Norte, sa bayan ng Sta. Barbara dito sa lalawigan ng Pangasinan.
Ayon kay PLT. COL Michael Datuin, OIC-Sta. Barbara PNP , madaling araw noong Nov 27 ay nakita na lamang ng kanyang ama na si Richard De Guzman Espino ang anak na nakabigti sa balcony sa ikalawang palapag ng kanilang bahay gamit ang nylon na lubid.
Sa salaysay ng kanyang ama, huli niyang nakita ang anak na may hawak na cellphone sa kanila ring balkonahe.
Napansin umano sa kanya ang pagiging balisa at may malalim na iniisip.
Hindi naman binigyang kahulugan ng kanyang mga magulang ang mga ikinilos nito hanggang sa nangyari na nga ang hindi inaasahang pangyayari.
Lumabas sa initial na imbestigasyon ng kapulisan na nakaranas ang biktima ng emotional distress dahil sa paghihiwalay umano nila ng kanyang kasintahan.
Dinala pa ito sa Municipal Rural Health Unit subalit binawian na itongbugay.
Kumbinsido ang pamilya nito na siya ay nagbigti at walang foulplay.