Former pres. Ramos
FVR hometown

Binabalak ipatayo ang isang memorial museum sa bayan ng Asingan ang hometown ni dating pangulong Fidel V. Ramos bilang pag bibigay pugay at pag alala sa kanya.

Ang nasabing museum ay isusunod sa pangalan ni dating pangulong Ramos.

Ilalagay umano sa museum ang mga isinulat na aklat ni FVR mga cds at videos at iba pang historical materials na dinonate ng pamilya Ramos.

--Ads--

Nilalayon nito na mabigyan ng malalimang koneksyon ni Ramos ang bayan ng Asingan.

Samantala nagpakita rin ng pagluluksa ang lahat ng campus ng Pangasinan State University dito sa lalawigan ng Pangasinan sa pagpanaw ni dating pangulong Ramos.

Inilagay sa half mast ang pambansang watawat sa lahat ng campus ng PSU bilang pagbibigay ng respeto at pagkilala sa dating pangulo.

Inatasan ni University President Dexter R. Buted ang lahat ng siyam na campuses ng PSU na magpakita ng paggalang sa dating punong ehekutibo na nagmula sa lalawigan ng Pangasinan.

Sinabi ni Buted na labis nilang ikinalungkot ang pagpanaw ng dating pangulo.

Hindi aniya matatawaran ang kanyang pamumuno sa bansa at hindi kailanman malilimutan ang kanyang mga nagawa at pagmamahal sa mga Pilipino.

Ngayong Huwebes, August 4 ay magsisimula ang burol ng dating Pangulo sa Heritage Park, Taguig.