Nagpaabot ng mensahe ng pasasalamat at pagkilala ang mga estudyante ng Dagupan City National High School para sa kanilang mga guro bilang bahagi ng paggunita sa World Teachers’ Day.
Ayon kay Carl Lewis Ceralde, Vice President ng Supreme Secondary Learner Government o SSLG ng paaralan, naghanda ang kanilang organisasyon ng mga aktibidad para mapasaya at mapahalagahan ang mga guro.
Kabilang dito ang selebrasyon at mga laro bilang pagkilala sa kanilang dedikasyon sa pagtuturo.
Para naman kay Rhian A. Serquina, miyembro ng Student’s Welfare Committee, mahalaga ang papel ng mga guro bilang gabay ng mga estudyante sa kanilang pag-aaral at pagkamit ng mga pangarap.
Sa kabila ng mga hamon sa edukasyon, kinilala ng mga estudyante ang dedikasyon ng kanilang mga guro at ang malaking papel ng mga ito sa kanilang pag-aaral at buhay.
Samantala, may mensahe rin si Rhian para sa mga guro na patuloy na gumagabay at nagtuturo sa mga kabataan.
Ang World Teachers’ Day ay ipinagdiriwang tuwing Oktubre 5 bilang pagkilala sa mahalagang papel ng mga guro sa edukasyon at sa paghubog ng mga kabataan.










