Naghatid ng mainit at masustansyang pagkain ang Meals on Wheels Truck sa mga residente at kabataan ng Barangay Palaming, San Carlos City bilang bahagi ng Community Feeding Program ng lokal na pamahalaan.

Pinangunahan nina Mayor Julier C. Resuello at Vice Mayor Joseres S. Resuello, katuwang ang City Population Office, ang isinagawang feeding activity sa barangay.

Bahagi ito ng patuloy na programa ng pamahalaang lungsod para makatulong sa pangangailangan sa pagkain at kalusugan ng mga pamilya, lalo na ng mga kabataan.

--Ads--

Patuloy namang umiikot ang Meals on Wheels Truck sa iba’t ibang barangay ng San Carlos City upang maihatid ang feeding program sa mas maraming residente.

Layunin ng programa na makatulong sa mga pamilya at mapalakas ang mga hakbang ng lungsod para sa mas maayos na nutrisyon at kalusugan ng mga mamamayan.